MARAMING puwedeng pagkakitaan sa sabungan, kahit wala kang pera ay puwede ka magkaroon.

Kailangan mamuhunan din, pero hindi pera.

Kapag marunong kang mag-kristo o mag-ulot ay puwede kang gamitin ng mga kapitalista.

Kaya dapat tiwala ang itanim at gawing puhunan, upang marami ang magtiwala sa iyo.

Kung kristo ka maging honest dapat sa iyong pinagki-kristohan upang sa susunod ay ikaw ulit ang kanyang kukunin.

At kung mag-uulot naman ay dapat maayos ang pagpili nang makakalaban huwag mga alanganin na katapat.

Maging maayos lamang ang trabaho ay tiyak na araw-araw ay puwede kang kumita ng malaki nang walang puhunang pera. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

11 + 20 =