MAGTUTULUNGAN ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee para umalalay sa mga national athlete at coach na natapyasan ng kanilang monthly allowance.
Malaking perwisyo ang COVID-19 sa bansa, dahilan para mabawasan ng 50% ang kanilang mga allowance.
Hinayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na hihingi sila ng tulong sa pribadong sektor para sa pagbibigay ng buwanang sweldo ng mga apektadong indibidwal.
“If our conversation here will be heard by the rich private corporations like Dennis Uy (Phoenix Petrolium), Ramon Ang (San Miguel), SM and others, they could help our athletes,” hayag ni Ramirez sa naganap na unang online Philippine Sportswriters Association Forum nitong Martes.
Magbibigay naman ang POC ng 300 bisikleta sa mga national athlete para gamitin sa pagpunta sa training venue sa sandaling alisin ang community quarantine sa National Capital Region.
“As of today we have already 200 applicants and I might extend it to 300,” ani POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino. (Elech Dawa)