Umaasam si Regine Velasquez na muli niyang makakasama si Julie Anne San Jose. Bigla ngang na-miss ni Regine si Julie nang mapakinggan niya ang latest single nito.

Nakaposte sa Instagram ni Regine ang white round Bluetooth speaker na nagpapatugtog ng kanta ni Julie Anne. Nagandahan ang Songbird sa boses at rendition ni Julie, kaya nakaramdam siya nang pagkasabik na makita ang anak-anakan.

Naglagay ng crying emoticon si Regine para iparamdam ang kalungkutan niya sa matagal nilang hindi pagkikita ni Julie Anne, mula nang lumipat sya ng network. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

three − two =