Restaurant napuno ng bodyguard ni mayor

Sino daw itong lokal na opisyal ng gobyerno ang sangkatutak ang bodyguard kapag ito’y lumalabas ng kanyang opisina?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na umaabot daw sa 20 katao ang nagbabantay sa seguridad ni mayor kapag ito’y gumagala.

Kapag ito’y bumiyahe sa kalsada, aba’y halos limang sasakyan ang nakabuntot sa kumag, maliban pa dito ang mga hagad.

Kaya nuong pasukin nila ang maliit na restaurant para kumain, aba’y halos mapuno ito dahil sa sangkaterbang bodyguard at nataon pa na kasama ni mayor ang kanyang mga staff.

Ang nakapagtataka dito, pormang macho si mayor dahil sa laki ng katawan subalit may daga pala sa dibdib nang kumuha ng sangkatutak na bodyguard.

Pintahan nyo na. Ang mayor na sangkatutak ang bodyguard ay feeling guwapo at may letrang S sa kanyang pangalan.