ISANG positibong mensahe ang hatid ni veteran volleyball star Aby Maraño na hindi nawawalan ng pag-asa sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease.

Inihayag ng F2 Logistics Cargo Movers ace hitter sa kanyang Facebook post ang kanyang inspirational message para sa lahat.

“Maaaninag din natin ang bukas kung saan muli tayong magtatagpo. Mahahagkan ka na at ang mga kamay ko’y madadampian mo rin,” tila isang makata na sabi ng beteranang middle blocker.

“Darating ang bukas kung saan itutuloy na natin ang laro. Maglalaro tayo hanggang sa walang sumusuko.”

Matatandaan nitong Marso, nahinto at kinalaunan ay kinansela ang Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa. (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

18 + 13 =