Sa new normal , PPE suit na ba ang fashion trend

Nakakabagabag na ang mga nangyayari ngayon dahil sa pandemic. Maraming naapektuhan halos lahat mapamayaman at mahirap. Mga malalaking negosyo at lalo na ang mga malilit na negosyo.

Apektado din ang fashion industry lalo na ang mga fashion designer dahil tiyak na walang mga social events na mangyayari kaya magiging matumal ang mga magpapagawa.

Kaya naman sa kasalukuyan ang mga pinagkakaabalahan ng mga fashion designers ay ang pagpapagawa ng mga fashionable PPE suit para sa kani-kanilang mga kliyente.

Dahil ayaw ng mga fashionable client na magmukhang astronaut. Dahil ang mga lumalabas na design ay tulad ng suot ng astronaut.

Kaya naman ako mismo bilang fashion designer ay naglabas ng sarili kong fashionable PPE suit. Isa sa mga client ko ang nagsuot nito na isang philanthropist, socialite at fashion icon na si Ms. Rose Tolentino Santiago na nasa larawan.

Sa mga katulad kong designer huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil darating ang panahong mapapabagsak din ang COVID na iyan at muling babangon at sisigla ang ating industriya.