Sa unang pagkakataon ay naimbiyerna si Sarah Geronimo sa kanyang pagiging coach sa “The Voice Teens”.

Ang dahilan ng pagkaimbiyerna ni Sarah ay ang pag-block sa kanya sa unang blind audition ng reality singing contest.

Ang nag-block kay Sarah ay walang iba kundi si Apl.de.ap.

Ang pag-block sa isang coach ay ang bagong feature sa “The Voice”. Kapag blocked, hindi siya puwedeng piliin bilang coach ng isang auditionee.

Nagawang i-block ni Apl si Sarah dahil nagustuhan niya ang boses ng isang teen contestant na ang pakiramdam niya ay pipiliin si Sarah. Kaya ginamit na nito ang kanyang power to block a fellow coach.

Epic nga raw ang reaction ni Sarah noong malaman niyang blocked siya from being picked as coach ng contestant.

“Who blocked me?! Who blocked me?! Pahinging tubig, sandali… Ano ulit ang pangalan mo kasi blocked na lang ang naaalala ko… In fairness, nagalit talaga ako. Minsan lang ako magalit pero grabe ‘yung kanina…” talak ni Sarah.

Mabilis namang niyakap ni Apl si Sarah pagkatapos ng epic reaction nito. Sa bandang huli ay nagtawanan na lang silang lahat.

Nagulat din ang isa pang coach ng “The Voice Teens” na si Lea Salonga dahil first time niyang makitang magalit si Sarah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

20 − 5 =