Nililibre na ng San Miguel Corporation (SMC) ang toll sa South Luzon Expressway at sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) para sa mga government at private vehicles na tumutulong sa relief efforts kasunod ng pagbulwak ng abo at aso ng bulkang Taal.
Inanunsiyo ng SMC na hindi ito maniningil ng toll sa mga government vehicles na may mga dalang volunteers, equipment at relief goods. Ngayon, papayagan na rin ang mga private vehicles na magdeliver ng relief goods at dumaan sa SLEX at STAR nang hindi na nagbabayad ng toll basta ba makikipagcoordinate sa tollway management.
Para mas mapadali ang pagdeliver ng relief goods, pinapayuhan ng SMC na huminto muna sila sa mga inspection sites sa: SLEX Southbound (Petron Silangan/KM 44, Mayapa Entry, Batino Entry, Calamba/Real Entry); STAR Southbound location (Sto. Tomas Entry); at sa lahat ng STAR Northbound entry locations (Batangas, Ibaan, Lipa, Toribio, Malvar, and Tanauan).
Iinspeksyunin ng isang toll supervisor ang sasakyan kasama na isang traffic enforcer at iisyuhan ito ng free single exit pass na isusurrender naman sa cash lanes paglabas ng expressway.
“This is part of our wide-ranging efforts across the San Miguel Group to help our countrymen, through our own relief operations, and by supporting and enabling others who also want to help,” sabi ni SMC president Ramon S. Ang.
Sabi niya, muli nating nakikita ang kagalingan ng mga Pinoy na nagtutulungtulungan para iangat ang isat isa sa panahon ng pangangailangan. (Eileen Mencias)