Solon adik sa yosi kahit may virtual session

Wala nang kahihiyan itong isang mambabatas kapag nangati na ang bibig sa sigarilyo.

Sa bawat hybrid session kasi, lantaran nitong pinapakita ang kanyang pagyoyosi gamit ang vape.

Sa umpisa’y game na game ang mambabatas na ito sa pakikipagtalakayan sa mga kapwa nito mambabatas at kapag tapos na ito, biglang aalis sa monitor dahil yosing-yosi na pala ito.

Pero may pagkakataon naman na hindi ito nahihiya at pinapakita pa ang kanyang pagsisigarilyo kahit na naka-on ito sa kanilang video conference.

Sino siya?

Pintahan nyo na. Hindi lang mahilig sa yosi ang lalaking mambabatas na ito na taga Luzon kundi matakaw rin sa alak. May letrang R ito sa kanyang apelyido.