MAY kakaibang pasabog ang isang mambabatas na ito sa tuwing dadalo sa isang pagdinig.

Hindi ito pasabog na bomba o expose sa isang isyu kundi pasabog na hangin mula sa kanyang katawang lupa. In short, mahilig itong umutot.
Kuwento ng source ni Mang Teban, masipag sumali ang mambabatas na ito sa mga pagdinig kung saan mahilig siyang magtanong sa mga ­resource person tungkol sa iba’t bang isyu.

Pero habang nasa kasagsagan ng ­pagsasalita, may narinig umanong ‘sound’ sa bahagi ng ­kinauupuan ng mambabatas na ito.

Inakala ng mga taong ng nasa likuran ng ­lawmaker na ito na mula sa upuan lang nito ­nanggaling ang ingay subalit nang umalingasaw na ang masamang hangin mula sa kanya, doon na nila napagtantong nagpasabog nga ito.

Yes, mga ka-Abante. Nagpasabog ng ­masamang hangin ang mambabatas habang ­nagsasalita siya sa pagdinig. Pero slight daw ang sama ng amoy at keri naman daw nila ito.

Pagkatapos magsalita ng mambabatas na ito, agad itong lumabas sa committee room at nag-diretso na sa rest room. Sino siya?

Pintahan n’yo na: Ang mambabatas na ito ay beterano na sa tala­kayan at may ­letrang O sa kanyang apelyido as in ‘over’ ang hangin sa katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

9 − 6 =