Solon nameke ng birth certificate

Sino daw itong mambabatas ang gustong mameke ng birth certificate ng kanyang anak?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na itong mambabatas mula sa malayong lalawigan ng bansa ay nagtungo sa isang siyudad sa Metro Manila para iparehistro ang kanyang anak.

Ginamit daw ng mambabatas ang kanyang impluwensiya, as in nambraso siya para madoktor ang lugar ng kapanganakan ng kanyang anak.

Palibhasa kasi’y liar eheste lawyer, pinipilit ng mambabatas na pekehin ang isang entry sa birth certificate ng kanyang anak.

Akala siguro ng mambabatas ay mapagbibigyan siya dahil tumanggi ang doktor na pumirma sa dinoktor na birth certificate.

Pintahan nyo na. Ang mambabatas na sinupalpal sa pamemeke ng birth certificate ay kaalyado ng administrasyon. Kung siya ay senador o congressman, hulaan nyo sa letrang A sa kanyang pangalan.