Solon nanggatas sa mga Chinese

Sino daw itong mambabatas ang sobrang magmalinis na hindi raw kayang kontrolin ng kahit sinong negosyante sa bansa?

Ito raw ang pinagmamalaki ng mambabatas kaya naman ang kanyang kanang kamay ay ganun din ang press release sa publiko.

Hirit ng dakilang alalay ng mambabatas, hindi kayang hawakan ng sinumang negosyante ang ilong ng kanyang amo.

Pero nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, maraming kilalang negosyanteng Chinese ang mambabatas.

Ilan sa kanila ay ginatasan ng kumag noong nagdaang halalan kaya nanalo.

Pintahan nyo na. Ang mambabatas na di raw nagpapahawak sa mga negosyante pero sumalok ng campaign fund sa mga Chinese ay galing sa malayong lalawigan ng bansa. Kung siya ay senador o congressman, hulaan nyo sa letrang A sa kanyang pangalan.