After so many years ay muli kong nakatsikahan ang star ng Streetboys noong araw na si Spencer Reyes. Natatandaan ninyo pa ba siya?
Siya ‘yung cute boy na star dancer ng pamosong Streetboys na mga alaga ni Direk Chito Rono, na kung saan ay kasali rin sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.
Sa pakikipagtsikahan namin kay Spencer ay ikinuwento niya sa amin na maayos at tahimik siyang naninirahan sa Scotland, UK kasama ang pamilya niya simula noong 2015.
From 2007 to 2014 ay sa Bristol, England muna sila nag-settle bago lumipat ng Scotland.
Pinanood muna namin ang mga vlog niya bago namin siya nakatsikahan. Nakakaaliw si Spencer habang ipinapakita niya sa vlog ang mga everyday life niya sa UK. Bigla siyang nag-PM sa akin, kaya nakatsikahan ko siya.
Ang tumatak sa akin ay ang pagiging bus driver niya bilang source of income niya at added income niya ang mag-entertain ng mga kapwa Pinoy all over Europe.
Sa liit niyang iyon ay hindi namin lubos maisip ang pagiging bus driver niya na pagkalaki-laki ng bus.
Mukhang masaya naman siya sa Scotland, UK kasama ang asawa at tatlong anak.
Kasama rin niya si Michael Sesmundo sa Scotland na dati ring miyembro ng Streetboys. I am sure very proud si Direk Chito Rono sa naging kapalaran ng mga Streetboys member.
Kapuso binatikos dahil sa Kapamilya
Marami ang bumabatikos sa Kapuso network sa nangyayari sa Kapamilya network. Eh, wala naman silang kinalaman sa naging pasya ng NTC sa Dos.
Maski ang ilan sa mga Kapuso star ay nakisimpatiya nga sa mga Kapamilya artist na mga kaibigan nila kahit magkaiba sila ng network. Ibinalita rin naman ng Kapuso ang tungkol sa problema ng Kapamilya.
At fair o patas naman ang newscast nila na walang kinikilingan o kinakampihan.
Kaya tigilan na ang mga bash at pagtuunan natin kung papaano tayo makaiwas sa pandemic na coronavirus. Hayaan na natin sa mga legal minds ang problema ng Dos, na sa tingin ko ay maaayos din naman at babalik sa ere. Marami silang remedy para maayos iyan.
Ang mahalaga ay malagpasan natin ang problema natin sa COVID-19 na worldwide ang problema. Pagod na rin ako sa pagtambay sa bahay na walang ginawa kundi kumain at matulog.
Lovi sabik nang rumampa sa US, Paris, Japan
Kilala si Lovi Poe bilang isa sa mga artistang mahilig mag-travel. Ngunit dahil sa banta ng COVID-19, naka-quarantine muna ang aktres at pansamantalang ipinatupad ang travel ban.
Sa interview sa kanya ay ibinahagi ng aktres ang mga paborito niyang travel destinations. Nangunguna rito ang New York City.
Aniya, “Just being there, it feels like reliving that moment or just reminds you of all these beautiful movies. Hindi siya nakaka-stress kahit sobrang busy nila tingnan, parang mas nakaka-inspire na feeling mo there is so much more to life. That’s why I like New York.”
Isa rin ang Paris sa listahan niya, “It’s such a romantic place. When you think about Paris, you think about love,” saad niya.
Kasama rin sa mga go-to destinations niya ang Japan dahil sa lapit nito sa Pilipinas. “All you have to do is get on the plane and bumiyahe ka ng limang oras. By the way, yung mga tao doon, sobrang respectful nila. Pag dumaan ka, talagang babati, mag-hello at bow or nod kayo sa isa’t isa.”