Ipinag-utos umano ng Department of Health na sa kagawaran lamang ididiretso ang anumang suplay ng N95 masks na isa sa mga mahalagang respiratory protection ng mga doctor at nurse para hindi agad mahawa sa COVID19, isang nakahahawa at nakamamatay na sakit na galing China.

Nang tumawag ang Abante sa 3M Philippines para mag-order ng N95 masks, sinabihan ito na may kautusan ang Department of Health na sa kagawaran lamang nila maaring dalhin ang lahat ng stock ng N95 masks at iba pang protective personal equipment kasama na ang mga parating pang kargamento ng nasabing mga prudukto.

Paliwanag ng 3M Philippines, iniutos ito ng DOH dala ng kapangyarihan ng Bayanihan Act at sakop din nito ang iba pang mga PPEs.

Sabi ng 3M Philippines, hindi na ito nakapagpadala ng N95 masks sa mga authorized distributors nito simula nang nag-lockdown sa Luzon noong March 16, 2020 at hindi katakataka kung matagal nang ubos ang kanilang suplay nito.

Dagdag ng kompanya, hindi sila makapagpapadala ng N95 masks sa kanilang mga private distributor hanggang sa payagan na ito ng DoH.

Ang Bayanihan Act na nagbigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte ay isinabatas noong March 23 at mag-e-expire sa Hunyo 24.

Maraming mga purchaser ang nagrereklamong hindi makahanap ng N95 masks noon pang Mayo.

Tweet ng nurse na si demie @demielyyy, “grabe mang hoard ng n95! Haha. Kawawa naman kaming umaasa sa N95 nalang.” (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eighteen − 2 =