Alcohol at Covid

Lahat tayo ay natututo muli na maging malinis, sa sarili at sa ating kapaligiran, lalo na sa panahon ngayon na hindi natin nakikita ang ating kalaban, ang Covid 19 o Coronavirus. Pinaaalalahanan tayo kung paano malabanan ang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pagiging at pananatiling malinis. Para tayong mga bata na tinuturuang maghugas ng kamay ng sabon at tubig palagi dahil sa pamamagitan nito, mamamatay ang virus at hindi na makakalipat pa upang mahawa tayo. Kung walang tubig at sabon, maaaring aging alternatibo ang mga hand sanitizers, o di kaya ang alcohol, 70% isopropyl alcohol. Hindi lang magagamit sa ating mga kamay, maaari din magamit pang disinfect ng mga bagay bagay. Ito ang dahilan kaya may nakalagay sa mga bote na for “external use only”. Ibig sabihin ginagamit ito sa labas ng katawan ng tao.