Ang demonyo ay nasa detalye

Sinasabi ng mga nagsusulong ng Anti-Terrorism Law na walang dapat ikatakot ang mga matitinong tao na walang intensyong gumawa ng mga aksyon na maaring ituring na terorismo. Tama naman at sang-ayon ako kung—at ito ay isang malaking kung—ang lahat ng mga magpapatupad ng batas na ito ay matitino rin.