Kumusta kaya ang morale ng mga taga-DOH at health workers?

Naaawa ang ating mga tropapips sa mga kawani ng Department of Health at mga health workers na hindi na magkandaugaga sa pagharap sa problema ng COVID-19. Ang ang iba nga sa kanila eh nagkakasakit na at may namamatay pa; habang ang kanilang pinuno na si Secretary Francisco Duque III, kabi-kabila ang kapalpakan at kontrobersiyang kinasasangkutan.