Kumusta kaya ang morale ng mga taga-DOH at health workers?

Naaawa ang ating mga tropapips sa mga kawani ng Department of Health at mga health workers na hindi na magkandaugaga sa pagharap sa problema ng COVID-19. Ang ang iba nga sa kanila eh nagkakasakit na at may namamatay pa; habang ang kanilang pinuno na si Secretary Francisco Duque III, kabi-kabila ang kapalpakan at kontrobersiyang kinasasangkutan.

State of public health emergency

Marami pong nangyari sa nakalipas na isang linggo sa harap ng patuloy na pagharap ng gobyerno sa krisis na dulot ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.