Kanlungan sa gitna ng unos

Ilang araw nalang at tatlong buwan na tayong nakikipagsapalaran sa pandemyang kinakalaban din ng buong mundo. Lagpas 90 na araw nang hindi lang pagod ang kapiling, kundi matinding panganib rin ang kaharap araw-araw ng ating mga frontliners. At ito rin ang dami ng araw kung saan nakikita at nararamdaman natin ang tunay na bayanihang Pinoy.
Kalayaan 2020 kahit na COVID-19 Pandemic

Malapit na ang 12 Hunyo, ang ating Pambansang Araw na gumugunita sa proklamasyon natin ng Kasarinlan matapos ang 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas (Na inagaw at ibinalik ng mga Amerikano noong 1946). Ito ang itinuturing nating kaarawan ng ating bansa. Subalit paano ba ito ipagdiriwang sa kabila ng mga lockdown at physical disctancing sa gitna ng pandemyang COVID-19?