Pahayag ni VP Robredo sa Anti-Terrorism Act of 2020

Nitong mga nakaraang buwan, tiyak kong halos lahat sa atin, nauubos ang oras sa pangangamba, pag-iisip ukol sa kinabukasan, at pakikipagsapalaran sa harap ng situwasyong dala ng COVID-19. Alam ko ito, dahil kami mismo dito sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, halos mula paggising hanggang pagtulog ay nakatutok sa pagpuno ng mga pangangailangan, at pagtanggap ng feedback mula sa mga nakakasalamuha namin online at sa mga COVID-19 response operations.

Pambu-bully lang ang alam

Usap-usapan dito sa kanto, sa tindahan kung saan ang madalas na umpukan ng mga ­simpleng tao, ang palaging walang-galang na pagtrato sa Pangalawang Pangulo.