Bianca ban sa taping ng ‘Ang Probinsyano’

Pansamantalang tumigil munang mag-taping ng ‘Ang Probinsyano’ si Bianca Manalo para sa self-quarantine sa kanyang bahay. Nagdesisyon si Bianca na dumistansya muna sa lahat dahil sa kanyang kasintahang si Sen. Win Gatchalian na nag-self-quarantine rin matapos magpositibo ang isa sa mga dumalo sa hearing ng komite nito tungkol sa basic education, noong March 5, 2020.