Paano kung ang mga namumuno ang lumalabag?

Biyernes, Hunyo 5, bumiyahe patungong Baguio si San Juan City Mayor Francis Zamora. Sinabi ni Mayor Zamora na ihahatid niya ang kanyang maybahay sa Baguio City para sa ilang linggo ng pahinga. Dumating ang convoy ng anim na sasakyan sa Kennon Road checkpoint ng bandang alas-2:30 ng hapon. Nag-slow down ang naunang sasakyan at sinabihan lang ang nagbabantay ng checkpoint na convoy sila, at tuloy-tuloy lamang sila paakyat sa siyudad.
Zamora `wag pasaway sa quarantine – Roque

Kasunod ng kontrobersiyang kinasangkutan ni San Juan City Mayor Francis Zamora, hiniling ng Malacañang sa mga local chief executive na magsilbing mabuting halimbawa para sumunod din ang publiko sa mga safety standard at quarantine protocol na pinatutupad ngayong may COVID-19 pandemic.