Alcohol at Covid

Lahat tayo ay natututo muli na maging malinis, sa sarili at sa ating kapaligiran, lalo na sa panahon ngayon na hindi natin nakikita ang ating kalaban, ang Covid 19 o Coronavirus. Pinaaalalahanan tayo kung paano malabanan ang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pagiging at pananatiling malinis. Para tayong mga bata na tinuturuang maghugas ng kamay ng sabon at tubig palagi dahil sa pamamagitan nito, mamamatay ang virus at hindi na makakalipat pa upang mahawa tayo. Kung walang tubig at sabon, maaaring aging alternatibo ang mga hand sanitizers, o di kaya ang alcohol, 70% isopropyl alcohol. Hindi lang magagamit sa ating mga kamay, maaari din magamit pang disinfect ng mga bagay bagay. Ito ang dahilan kaya may nakalagay sa mga bote na for “external use only”. Ibig sabihin ginagamit ito sa labas ng katawan ng tao.

Mga pasaway sa COVID-19

Marami tayong mga kurimaw at tsokaran na buryong na sa bahay dahil sa pagsunod sa enhanced community quarantine pero wala silang reklamo dahil batid nilang sa ikabubuti ito ng lahat. Ang problema, marami pa ring pasaway na lumalabas at sama-sama pa ring nagkukumpulan kahit hindi naman tungkol sa kabuhayan ang dahilan nila sa paglabas ng bahay.

MVP umepal sa kuryente, tubig sablay

Pinagmalaki ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan na sa kabila ng coronavirus pandemic ay nagagawa pa rin ng kompanyang maipagpatuloy ang walang patid na serbisyo ng kuryente, tubig at komunikasyon.

Bawat isa ay mahalaga

Bago pa man mag-community quarantine noong Linggo ay bumiyahe na ako pa-Maynila mula sa Bulacan.

May dinaramdam

Isa na siguro ang sa­litang-ugat na ‘damdam’ sa may pinakamaraming salita at kahulugang mabubuo sa wikang Filipino kung lalagyan ng panlapi o affix. Versatile, kung ilalarawan sa Ingles. Bakit nga naman hindi, bukod sa dami, ang salitang ‘damdam’ din ang may pinakamalalalim at pinakasenswal na kahulugan. Pinakamadamdaming salita ang salitang ‘damdam’.