May panibagong kuwento akong nasagap tungkol sa “Burado” series ng Kapamilya network, Dondon.

Sabi ng isang nagtsika sa akin, hindi lang daw sina Julia Montes at Ina Raymundo ang nawala na sa cast ng nasabing series.

Pati raw si Nadine Lustre at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet ay hindi na rin daw kasama sa cast.

Tama kaya ang tsikang ‘yon?

Sabi, isa raw si Bela Padilla sa kino-consider na ipalit kay Julia o kay Nadine.

May isa pang aktres na kinukuha rin sila, pero part daw ng isa pang bagong series ang aktres na ‘yon, kaya hindi pa sure kung matatanggap nito ang “Burado”.

Tama rin ba na kasama na si JC Santos sa cast ng nasabing series?

Siya ba ang kapalit ni Denkhun?

Sina Paulo Avelino at Zanjoe Marudo raw ay sure na sure pa rin na kasama sa cast ng “Burado” na ang unang location nga raw ay sa Bacolod at magte-taping din daw sa Bataan (siguro ay sa second leg ng taping).

Well…

Aktres nagbebenta na ng mga gamit

Sobrang sumikat ang actress/host na ito noong araw.

Actually, naging napakaganda ng kanyang career lalo na sa ibang bansa.

Akala ng iba ay sobrang daming pera ni actress/host, pero aminado siya na hindi ganoon kalaki ang naipon niya.

‘Yung mga naitabi kasi niya, unti-unti na rin niyang nagalaw noong panahon na hindi na siya masyadong active sa kanyang showbiz career.

May mga naipundar daw siya, lalo na mamahaling gamit, na kapag nangangailangan daw siya ay ibinebenta niya ng palugi.

May ugali kasi si actress/host na ayaw niyang lumapit sa kanyang mga kaibigan para manghiram ng pera, kaya ibinebenta na lang niya ang mga bagay na naipundar niya.

Minsan daw ay may mamahalin siyang alahas na ibinenta niya ng sobrang palugi dahil kailangan niya ng pera.

Ang mga kaibigan nga raw ni actress/host ang nanghinayang dahil sana raw ay hindi nagbebenta ng mga gamit ang kanilang kaibigan na sobrang palugi at sana raw ay lumapit na lang sa kanila, pero sadyang shy si actress/host at hindi manghihiram ng pera sa kanyang mga kaibigan.

Saan napunta ang mga kinita ni actress/host noong sobrang sumikat siya?

Masyado kasing mapagmahal sa kanyang pamilya si actress/host, kaya kaliwa’t kanan ang mga tinutulungan niya noon, pero noong panahon na siya na ang nagigipit, wala naman siyang maasahan sa kanyang mga kapamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eighteen + 20 =