MASAYA si Kai Sotto na hahawakan ni dating Los Angeles Lakers guard at veteran coach Brian Shaw ang kanyang team sa NBA G-League.

Ambisyon ni 7-foot-2 Sotto na makapaglaro sa NBA at ang G League ang magiging daan patungo sa kanyang tinatahak na landas.

“Now I have to take the next big step towards my NBA dream. I believe this option is the best route for me to get closer and faster to that dream,” hayag ni dating UAAP juniors MVP Sotto.

Handa na si Sotto na makipagbugbugan sa mga tigasing players sa NBA G-League.

Kailangan niyang magiging matatag upang makamit ang matagal nang pangarap.

Nahasa nang todo si Sotto nang magtungo sa Amerika para mag-training nakaraang taon. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

twelve + 15 =