TikTok ni Yorme kinababaliwan ng mga OFW

Para sa kapakanan ng mga Pinoy ay gagawin talaga ni Manila Mayor Isko Moreno. Hindi lang ang kanyang husay sa pamamalakad sa Manila ang hinahangaan sa kanya ngayon kundi pati na rin sa pagti-TikTok.

Ilang mga TikTok performance na ni Yorme ang ginamit ng libo-libong Pinoy, na ang iba ay mula pa sa ibang bansa, o mga OFW.

Kinakikiligan si Yorme sa kanyang pagpapalipad-hangin ng mga matatamis na salita sa Tiktok. Pinangiti at inaliw ni Yorme ang netizen sa pagpu-post niya ng ‘human letters’ kasama ang buo niyang pamilya, na ang nakasulat ay “Stay Home”.