Mag-iisang buwan na halos ang pagsiklab ng protesta dahil sapagkamatay ni George Floyd, isang black American, saMinneapolis (MN), USA.
Niluhuran sa leeg ng pulis si Floyd nang aabot sa siyam naminuto na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa tala ng kasong ito, nakaposas at nakasubsob na sa sahigsi Floyd at sinabi sa pulis na ‘di na sya makahinga ngunitbinalewala ito.
Kakaibang pamamaraan o uri ng pag-aresto ito.
“Black Lives Matter” ang sigaw ng mga residente doon.
Sa gitna ng banta ng CoViD-19 ay ‘di napigilan ng mga taga-MN na magsagawa ng public demonstration laban sapagmamalabis diumano ng mga pulis.
Ang pagkakahiwalay ng itim sa puti sa mga Kanlurang bansa ay buhay pa.
Batid natin na malalim ang ugat ng mahabang pakikipaglabanng Black Americans sa racism.
Isa nga kayang halimbawa ng racism ang kwento ni Floyd omaituturing na police brutality ito?
Ang racism ay isang tipo ng double standard.
Dualism ang tawag dito na ang pakahulugan ay dalawangpamantayan.
Dito sa ating bansa, dalawang linggo pa lang ang nakararaan ay anim na drayber ang inaresto dahil sa kanilang protesta laban sapolisiya ng gobyerno sa traditional jeepney.
Isa rito ang lolo na si Elmer Cordero, 72 taong gulang.
Ikinukumpara ang kaso ng mga driver sa isang opisyal ngpambansang pulisya na nagkasala rin diumano sa pagma-mananita na malinaw na halimbawa ng social gathering.
Ngunit bakit ba nagreklamo ang mga drayber at ano angkanilang ipinaglalaban?
Kulelat raw kasi ang “lumang” jeepney na isang national brand ng bansa sa listahan ng mga pampublikong sasakyan namaaaring pumasada.
Kasunod lamang sila sa pila ng modernong jeepney napapayagang magsakay dahil sa umiiral pa rin na GCQ.
May diskriminasyon ba pati sa jeep, ang king of the road saPilipinas?
Double standard nga rin ba ang umiiral dito?
Life is not fair.
‘Di na kailangan ang Google para ipaliwanag ito.
Sa modernong panahon ng karapatang pantao at hustisyangpanlipunan ay namamayani pa rin ang double standard.
Maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanang ito.
Kahit anong pagkukubli ay tila pako ito na anomang pagtatagoang gawin ay kita pa rin ang ulo.
Tanggap ang mali at “taboo” naman ang tama sa isang lipunanna kung saan namamayani ang dualism.
Depende sa kulay, paniniwala, edad, posisyon, grupongkinabibilangan, o estado sa buhay ng tao ang paglalapat ngparusa kung kaya ay may double standard.
Gasgas na ang paniniwalang “Those who have less in life shall have more in law.”
Sa madaling salita, ang agwat ng mahirap sa mayaman ay lalopang nararamdaman sa pagpapatupad ng batas at sa paggawadng katarungan.
All parties stand equal before the law.
May piring ang katarungan at may timbangan ang batas.
Napakahirap na ipatupad at isabuhay ang pamantayan na ito.
May pinapanigan at may paborito ang batas, ano sa tingin n’yo?
There is double standard when we hold different people accountable according to different standards.
Kung may konsepto ng masama at mabuti, tiyak na buhay rinang pagpuna sa pagiging ipokrito at doble-kara ng ilang tao lalona ng mga nasa pulitika at sa larangan ng pag-aartista.
Kadalasang resulta ng dualism ay ang pag-“balimbing”, patronage politics, “bulokrasya”, graft and corruption, damaged at shallow culture, disorientation, kawalan ng values, pagka-salawahan, pagbabalatkayo, pagpapanggap, at iba pa.
Matapos ibaba ang order ng ECQ at GCQ ay pinag-uusapan naang mga halimbawa ng career shift na maaaring tahakin bunsodng pandemya.
Ang galing ng halimbawa na ipinakita sa isang webinar.
Ang isang singer o dancer daw sa simula ay nagiging artista samaliit o malaking telon kalaunan.
Matapos sumikat, mawalan ng karera o kung ‘di naman sumikatay tatakbo para sa posisyon sa pulitika.
Taglay daw kasi ng mga performer o actor ang mga katangian namagaling magmemorya, mataas ang empathy, at sanay sapakikihalubilo.
‘Yan din daw ang mga galing na dapat taglay ng mga pulitiko.
Ang hindi daw pwedeng maging career change ay ang pulitikona mag-aartista.
“Alam na this” na raw ‘yon kaya ‘wag nang subukan pa.
Ngunit sa totoo lang ay karamihan ng mga artista at pulitikonoon at ngayon ay produkto ng traditional at social media.
Ang imahinasyon ukol sa pag-iidolo sa kanila ay bunga ngmalikhain at makinang na pagbibigay-buhay sa kanilangpagkatao ng mass media.
‘Di na napapansin ang prinsipyo o talino nila.
Naging Tiktok star lang ay biglang influencer na at product endorser pa.
Kambal-tuko na maituturing ang media at ang kultura.
Malakas ang impluwensya ng media sa ating pamamaraan nagawin ang mga bagay dito sa ating bansa.
Sa mass media rin maaaring unang umuusbong ang konsepto ngdouble standard.
Kinakawawa ng mayaman ang mahirap.
Bawal umibig ang amo sa alipin.
Mapapelikula o telebisyon ay sumasalamin sa dalawing uri ngpamantayan.
Pinakamakapangyarihan ang Facebook sa lahat ng uri ng social media ngayon.
Tinatawag ang FB bilang pinakamalaking behavior change system, for better or for worse.
Itinumba ng social media platform na ito ang mga dambuhalangnews organizations at media outlets.
Ang FB na ang creator at producer ng balita at impormasyon.
Nakakapagpabago ng opinyo ng madla ang FB.
Misperception, distortion at misinformation ang dala nito kung‘di magiging mapanuri at kritikal ang tao sa paggamit at pag-iisip sa lahat ng nababasa sa FB.
Literal na nagkakaroon ng “digital divide” sa ating panahondahil sa social media.
Dati ay tumutukoy ang mga katagang ‘yan sa ‘di pagkakakaroonng pantay na pagkakataon ang mga mahihirap sa teknolohiyadala ng information age dahil sa kawalan ng kaalaman o kayayahang magbayad ng internet connection ng sektor na ito.
Binago ng FB ang kahulugan ng digital divide sapagkat naginginstrumento ito na lalo pang paghiwalayin ang pulso ng bayandahil sa mga kasinungalingan na naglipana rito.
Dapat sana ay naging sandigan para sa pagkakaisa ng puso at damdamin ng mga tao ang social media ngunit ang mundo ngshowbiz at politika ang namayani dito.
Ibinibida kasi sa FB ang kultura ang double standards.
Sa pula, sa puti.
Pwede at depende.
Alright or not right.
Sala sa init, sala sa lamig.
Kunsabagay, naniniwala pa rin ako na mas mas matalino at mas may damdamin ang tao kaysa sa FB bagamat sa malingpaggamit nito ay lalo pang nagkakaroon ng dalawang angkla at magkaibang compass ang paglalayag ng tao na sana ay patungosa isang direksyon at destinasyon lamang.
Kung may katanungan ukol sa Life Coaching o may kwentokayo na nais ibahagi, maaaring mag-email sacoachalextr@gmail.com o magtext sa 0917-5332322.
*Si Lex Rosete ay isang Certified Life Coach mula sa Life Coach Philippines. Isa rin syang guro, trainer at consultant sacommunication, human resources management, organization development, at public administration.