TINIYAK ng Manila Water Company, Inc. na ligtas pa ring inumin ang tubig kahit umabot sa Metro Manila at karatig lalawigan ang ashfall mula sa pagputok ng bulkang Taal.
“Manila water assures its customers in the East Zone of Metro Manila and Rizal province that water remains safe to drink, even as ashfall due to the Mt. Taal eruption has been experienced around the metro and in Rizal areas,” ayon sa advisory ng water concessionaire.
Ayon sa kompanya, tiyakin lamang na takpan nang maayos ang mga sisidlan ng tubig upang hindi ito pasukin ng abo.
Sineserbisyuhan ng Manila Water ang higit sa 6 na milyong customer sa 23 siyudad at munisipalidad na kinabibilangan ng Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, ilang bahagi ng Quezon City at Maynila at sa mga bayan ng Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, Cainta, Taytay, Tanay, Teresa, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Rodriguez at San Mateo sa lalawigan ng Rizal.