Nag-aalala si Bianca Manalo sa kanyang mga social media account, dahil pilit nga itong sinisira ng mga hacker. Nauna nan gang wasakin ang kanyang Twitter at Facebook account, na binura ang mga mensahe niya, at mukhang balak gamitin sa kalokohan.

At kasunod nga ang kanyang Instagram, na mabuti na lang at naunahan daw niyang palitan ng password.

β€œTo my friends on Facebook, please report my facebook account. It was hacked and I no longer have access to my page. A heartless person hacked my Twitter at hindi pa nakunteto, pati Facebook ko. He/she was trying to hack my instagram until 7:30am this morning. Thank God, naunahan ko siya. πŸ™πŸ» Guys please secure your accounts. Make sure you turn ON your Two-factor authentication. Be safe everyone,” sabi ni Bianca. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

16 − one =