AYAW na raw bumisita ng isang politiko sa Middle East lalo na sa bansang mahigpit sa alak.
Minsan kasing bumisita ang politiko sa isang bansa sa Gitnang Silangan upang kumustahin ang mga kababayang overseas Filipino worker (OFW) doon.
Malapit kasi sa puso ng politiko ang mga OFW kaya dumalaw siya doon kahit nataon sa panahon na sobrang init ng disyerto.
Pag-uwi niya sa tinuluyang hotel, gusto sanang tumambay ng politiko sa bar subalit laking gulat niya na wala palang sinisilbing alak sa nasabing establisimiyento.
Nagkasya na lamang sa pag-inom ng softdrink at tubig ang politiko bilang pampalipas oras. Sa kabila nito, hindi agad ito natulog sa kanyang kuwarto dahil sa walang tama ng alak.
Pintahan n’yo na: Ang politiko na naburyong sa Middle East trip ay kilalang babaero at may letrang ‘S’ sa kanyang pangalan.