MATAPOS ang matagal na pagkakatengga ng NBA dulot ng pandemic COVID-19, tuloy na ang 2019-2020 season sa Walt Disney World Resort sa Orlando.

Napagdesisyunan ng NBA Board of Governors, 22 koponan ang maglalaban-laban sa Orlando format kung saan sasabak sila sa 16-day regular season na may 5-6 games kada araw.

“Sources – NBA approves 22-team format to finish season by 29-1 vote,” tweet ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.

“Some preliminary expectations on Orlando format, per sources: 16-day regular season – 5-6 games per day. Each team expected to play one back-to-back among its eight regular season games. NBA Finals format expected to include games every other day during best-of-seven series.”

Lumalabas na kada koponan ay may tig-walong laro na pwede ring maglaro ng isang back-to-back game.

Pagdating naman sa NBA Finals ay mananatili pa ring best-of-seven ang format ngunit salitan ang araw ng tagisan.

Layunin nitong mapabilis ang ‘unsettled NBA season’ matapos matengga ng halos tatlong buwan. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

19 − twelve =