KAHIT banta ng pandemic coronavirus na kumitil na sa buhay ng daang libong tao sa buong mundo ay hindi kayang pigilan ang mga health buff na gustong magpakondisyon ng katawan.

Isang fitness gym sa California ang binuksan kahit may lockdown order dahil naniniwala ang may-ari nito na essential o kailangan ito ng tao.

“(It is) ‘essential’ to people’s mental and physical health,” sabi ni Jacob Lewis, nagpapatakbo ng ‘The Gym’ sa San Bernardino County sa California, sa panayam ng TMZ Sports.

Bago binuksan ni Lewis ang gym ay may mga nakausap siya na nakikiusap na buksan ang gym dahil kailangan ito upang mapanatiling malusog ang pangangatawan at upang labanan ang mga sakit gaya ng diabetes. (Ferdz Delos Santos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 × three =