HABANG hinihintay ang resulta ng CO­VID-19 test, dumistansiya muna si Senador Sherwin Gatchalian sa kanyang nobyang si Bianca Manalo.

“Maging maingat muna tayo ngayon,” wika ni Gatchalian.

Tiwala naman ang senador na magne­negatibo siya sa test dahil nakita sa isinagawang pag-review ng CCTV footage sa Senate hearing noong Marso 5 na hindi niya nakamayan ang resource person na nagpositibo ng coronavirus.

Dahil sa insidenteng ito, napilitang mag-quarantine sina Gatchalian at Manalo.

“Naka-self quarantine na siya. Puwede na siya lumabas dahil hindi naman siya nagkaroon ng contact sa pasyente,” dagdag pa ng senador sa interview ni Cely Bueno ng DWIZ.

Sinabi pa ng senador pina-trace na niya ang mga taong nakatabi ng resource person sa hearing, gayundin ang mga nakamayan at nakausap nito upang mabigyan sila ng sapat na babala.

Matatandaan na ang nasabing resource person ay naka-confine ngayon sa isang ospital sa Maynila. Ang asawa nitong unang nagpositibo sa coronavirus ay namayapa na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

sixteen + ten =