Xian may bagong kinahuhumalingan

Aware kaya si Kim Chiu na may ibang kinahuhumalingan si Xian Lim habang naka-lockdown at hindi lumalabas ng bahay?

Anyway, ibinahagi nga ni Xian sa kanyang mga follower na nababaliw siya ngayon sa makabagong music technology, ang ‘talk box’ at ‘thermist’.

Ang talkbox ay isang device na nagpapabago ng boses sa kahit na anong kanta. Ang thermist naman ay isang equipment na mala-wifi na naglalabas ng pitch sa paglapit at paglayo ng kamay ng gumagamit na hindi kinakailangang hawakan ang aparato.

Sa buong panahon ng lockdown, kung anu-ano na ang sinubukan ni Xian sa kanyang pagkahilig sa musika. Nandoong mag-aral siyang tumugtog ng trombone, electric guitar at iba pa.

Pinahahanga ni Xian ang kanyang mga fan sa kakayahan niyang tumugtog ng kahit na anong musical instrument. Bukod pa riyan ay ang husay rin niya sa pag-awit.